ako mismo ay isa nang botante


Edukasiyon ang gusto ko para sa ating mga Pilipino. Kailangan yan ng Pilipinas pero bahala na.. bahala na si Lord, kung sino sa kanilang lahat ang papalarin.. sana kung sino man siya paunlarin niya ang malayang kaisipan ng mga pilipino. Imulat niya sa ating kapwa Pilipino ang kahalagahan ng Edukasiyon at moralidad ng buhay.
amen,

SA SUSUNOD NA ELEKSIYON. IBOTO NIYO AKO. HA HA 🙂

Mga alas-tres na ako nakaboto, nanood pa ako ng balita at inalam kung anong nangyayari sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Sa totoo lang, gusto ko ang halalan ngayon pero nakakadismaya lang ang isiping marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi nakaboto dahil sa mainit na panahon at sa mahaba at tila hindi umuusad na pila sa bawat presinto sa ating bansa. Maraming Pilipino na rin ang nagbigay na nang kanilang kanya-kanyang mga opinyon o mungkahi sa iba’t-ibang paraan (internet, text, atbp), ang iba ay sang ayon sa ganitong pamamalakad at ang iba naman ay dismayado dahil na rin sa mga aspetong ito:

  1. mainit na panahon
  2. mabagal na pag-usad ng mga pila
  3. naglolokong mga “PCOS” (o yung iba ay sira)

pero

may mga ilang lugar naman ay maayos ang proseso at naging mabilis pa ang pagboto at isa na doon ng lugar namin kaya medyo mabilis ako naka-boto.

Habang nanood ilang sandali pa, nag desisiyon na akong tumungo sa aking presinto. Sa mga sandaling iyon, nakakaramdam ako ng pagkatakam at kaba dahil simula ngayong araw bahagi na ako sa isang makasaysayang pangyayari sa bansa. Ang kauna-unahang “POLL-ELECTION” sa bansang Pilipinas. Habang minamasdan kong mabuti ang mga pangalan ng mga kandidato napapa isip ako kung tama ba ang pangalang aking susuportahan, sa huli nagkaroon ako ng konklusiyon na wala naman talagang maling desisyon nasasaiyo iyon kung paano mo ito magagawang tama na siyang makakabuti sa kapwa at sa iyo. Binilugan ko at binoto ang mga taong gusto kong maging lider ng aming pamayanan at ng buong bansa. Na-excite ako paglapit ko sa PCOS machine, “sana hindi iluwa ang papel ko” yan ang hiling ko, tinatawanan ako ni Sir (yung teacher na BEI dun sa presinto ko kilala ko kasi iyon, siya ang naging teacher ko nang limang taon sa banda) kinakabahan ako. At sa huli, sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko. Ako mismo ay isang botante na naglakas loob na mag-isang pumunta sa presinto at bumoto para makabahagi sa nagaganap sa Pilipinas. Dahil ako ay Pilipino.

Para sa akin, kaisa ako sa isang malayang Pilipino na umaasa na sa mga susunod na araw may bagong lider na haharap at pre-presinta sa mga Pilipino at sa buong mundo. Siya na pinagkakatiwalaan ng karamihan at magiging pangunahing guro ng mga Pilipino. Alam kong magiging maayos din ang lahat at magkakaroon ng bagong simula ang bansang malaya. Pilipinas.

jojo*works

prayer*works

Advertisements
Comments
One Response to “ako mismo ay isa nang botante”
Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] – Ako mismo ay isa nang botante, [May 10, 2010] https://jorain.wordpress.com/2010/05/10/ako-mismo-ay-isa-nang-botante/ […]

    Like



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: