whisper white


Kwentong Jeepney

Chapter 1

Ito ay pagmamaayri ni Jo Vel.

Sa ilalim ng bansang Pilipinas.

Ang blog na ito ay protektado ng Philippine copyright law Republic Act No. 8293 o  Intellectual Property Code of the Philippines

 —————————————————————————————–

Ang lovestory namin ay parang biyahe sa Jeepney.

innocence of purity

DAY 1

Dalawa kaming naghihintay sa waiting shed

   

Maaraw na maulan na hindi namin maintindihang panahon ay maihahalintulad sa pag uugali namin sa isa’t isa.

   

Parang amo at aso ang ugali namin, minsan ako yung aso at siya yung amo pero kadalasan siya itong mas nagiging aso ang ugali samin.

   

Minsan ang ugali niya ay parang babae, hindi ko maintindihan ang gusto niya talagang sabihin at ganito ang minsang naging eksena namin: 

“Habang nag-aabang ako sa waiting shed para sumakay sa paparating na jeep ay sakto nanainag ko siya, nagmamadali, kakaunti lamang ang sakay niya pero akala ko makakasakay nako, dumating nga siya pero isa siyang bus, jeep ang hinihintay ko pero bus siyang dumating..”

Hindi ko siya masakyan

   

Mahilig din siya sa mga riddles at mga “guess the word” kaso hindi ako kagaling dun, minsan nasasagot ko pero kadalasan ay na-i-islow ako dahilan para kulitin ko siya sa kasagutan. Minsan iniisip ko na sana’y ang itanong niya ay kung may gusto ba ko sa kanya at kukulitin ko siya kung ano ba sa tingin mo kaso sa mga oras na yon iba ang nagiging daloy nang pag uusap namin. 

   

Bukod sa slow learner ako ay positibong slow din ako sa pag ibig, madalas na nangyayaring nagiging “late bloomer” ako pagdating sa pag ka gusto o pag ka hilig sa mga bagay-bagay sa paligid ko kaya nga siguro hindi ko na maalala kung paano ko inumpisahang mahalin siya, hanggang ngayon isinusulat ko ito na-wo-wonder pa rin ako sa kawalan nang katanungan kung bakit ako nahulog sa kanya at lalong hindi ko na din alam kung hanggang saan pa ang patutunguhan nang biyahen jeepney namin na ito pero naniniwala ako na medyo matatagalan bago siya o ako bumaba sa jeep.

   

Bumalik kami sa eksenang parehas kaming nakatayo sa waiting shed

 

sabay na naghihintay sa jeepney’ng darating

 

wala pang kulay na iba pang bumabalot sa paligid

 

hindi pa kami magkakilala, hindi ko pa siya kilala at ganoon din siya

 

wala pang kulay ang lahat, tahimik lamang kaming parehas

 

sumusunod sa agos nang nakaraan patungo sa kasalukuyan

 

parehas pa kaming hindi pa bumibitaw sa nakalipas ngunit unti-unti nang nagiging handa para bumiyahe sa kasalukuyan.

itutuloy



Advertisements
Comments
2 Responses to “whisper white”
Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] law Republic Act No. 8293 o  Intellectual Property Code of the Philippines Chapter 1 – https://jorain.wordpress.com/2011/09/29/whispery-white/ Chapter 2 – https://jorain.wordpress.com/2011/12/01/slow-down/ Chapter 3 […]

    Like

  2. […] law Republic Act No. 8293 o  Intellectual Property Code of the Philippines Chapter 1 – https://jorain.wordpress.com/2011/09/29/whispery-white/ Chapter 2 – https://jorain.wordpress.com/2011/12/01/slow-down/ Chapter 3 – […]

    Like



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: