Slow Down


Kwentong Jeepney

Chapter 2

Pagpapatuloy ito sa “Whispery White” na unang na i-published sa blog na ito.

Ito ay pagmamaayri ni Jo Vel.

Sa ilalim ng bansang Pilipinas.

Ang blog na ito ay protektado ng Philippine copyright law Republic Act No. 8293 o  Intellectual Property Code of the Philippines

————————————————————————————————————————————————————————————-

“Para akong naghihintay sa Jeepney na parating, sa sakayan ng Tren”

Siya ang unang tao na para sa akin ay importanteng bahagi ng pagmamahal. Isa siyang nakaraan na bahagi na ng kasaysayan.

Imposible. Ito ang unang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa langit. Imposibleng makalimutan ko kaagad-agad ang taong iyon. Dumating siya sa panahong bata pa ako at wala pang malay sa realidad ng pag-ibig. Pilit kong nililimot ang lahat ng bagay sa nakaraan na paghihinayangan ko lang. Ayoko na kasing isipin na dapat ginawa ko iyon o ginawa ko ito kundi sana balang araw magiging masaya din ako, na sa mga susunod na araw may mga bagay pang mangyayari na maganda. Balang araw babalikan ko ang eksenang ito at wala na kong mararamdaman. Balang araw magiging masaya ako sa naging desisyon ko.

           Nasa eksena na ako na kung saan ay nag aabang ako ng masasakyang jeepney. Kulay Dilaw ang langit, hapon na, lahat ng jeep na ito gusto na dun ako sumakay pero pinili ko ang medyong bago na sa tingin kong mabilis ang takbo para makarating kaagad kahit madaming sakay sumiksik pa din ako.

Masaya ang naging adventure ko sa nasakyan ko kahit hindi na ako maka upo ng maayos sa sobrang daming pasahero ay sa tingin ko tumama ako, mabilis ang takbo, walang traffic, pero hindi marunong sumunod sa traffic rules ang drayber.

             Naka “Yellow light” ang traffic light ibig sabihin “SLOW DOWN” pero siya matulin pa din ang takbo, parang hinahabol ni kamatayan. Nakakatakot na exciting na ewan basta nakakakaba.

Malayo pa ang byahe ko pero dahil sa bilis nang aming takbo ay hindi ko na namalayan na marami na din pala akong nalagpasan. Mga lugar, mga tao, mga bagay-bagay sa paligid na panandalian ko lamang nasulyapan dahil sa bilis ng takbo ng jeep.

Parang walang katapusang byahe.

             Biglang tumigil ang takbo ng jeep, nagbabaan ang ibang pasahero sasakay siguro ng ibang rutang jeep o maglalakad nalang, habang hinihintay ko ang muling pag andar nito nakita ko ang nakaraan ko pero wala pa ang kasalukuyan.

              Lahat nakasakay na at nag move-on na ang pila ng mga jeep pero ang napili kong jeep matagal bago muling umandar, unting-unti nauubos ako habang tumatagal ang oras sa aking pagkakaupo. Wala paring sumasakay na mga pasahero, napansin ko ang paligid ko na ako na lang pala ang pasahero rito pero, nasaan na ang drayber? Nasaan na ang mga tao? Nasaan na siya? Nawala bigla ito. Tumigil na pala ang byahe, naiwan ako sa jeep na mag-isa. Sa jeep na hindi ko naman kayang patakbuhin. Naiwanan na din ako ng byahe.

Iniwan na niya akong mag-isa.

                At naisip ko na dito na nagtatapos ang byahe kong ito sa jeep na ito. Kailangan ko ng bumaba para mag-abang at pumara muli ng bagong masasakyan. At ginawa ko nga, bumaba ako ng dahan-dahan, tumingin sa paligid kung may mga naiwang jeep na pwede pang masakyan, naghintay sa anumang parating, naghintay na naghintay…

mahirap pala humanap ng iba…

Hanggang may nakita akong parating na tao, tumabi sa kung saan ako nag-aabang, at sa wakas nakakita din ako ng kasamang ba-byahe, parehas kaming naiwanan pero sana parehas din kami ng ruta.

Ang noon na mala-dilaw na hapon ay nabalot ng walang kulay na dilim. Naghihintay na may masakyan at matagpuan ang tunay na daan patungo sa tamang landas na tatahakin.

Itutuloy..

Advertisements
Comments
4 Responses to “Slow Down”
  1. Isabel says:

    I am often to blogging and i really appreciate your content. The article has really peaks my interest. I am going to bookmark your site and keep checking for new information.
    Acne medication

    Like

Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] the Philippines Chapter 1 – https://jorain.wordpress.com/2011/09/29/whispery-white/ Chapter 2 – https://jorain.wordpress.com/2011/12/01/slow-down/ Chapter 3 […]

    Like

  2. […] the Philippines Chapter 1 – https://jorain.wordpress.com/2011/09/29/whispery-white/ Chapter 2 – https://jorain.wordpress.com/2011/12/01/slow-down/ Chapter 3 – https://jorain.wordpress.com/2011/12/22/go-green/ Chapter 4 – […]

    Like



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: