Go Green!


Christina Perri – A Thousand Years

Kwentong Jeepney

 

Chapter 3

 

Pagpapatuloy ito sa “Slow Down” na pangalawang na i-published sa blog na ito.

 

Ito ay pagmamaayri ni Jo Vel.

 

Sa ilalim ng bansang Pilipinas.

 

Ang blog na ito ay protektado ng Philippine copyright law Republic Act No. 8293 o  Intellectual Property Code of the Philippines

————————————————————————————————————————————————————————————-

I do not own the pic.

“Lahat naka-move on na, Ikaw na lang ang hindi pa”

-The Brewrats Republic, Phils.

 

Bumaba ako sa jeepney ng hindi alam kung saan nako nakarating. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, wala akong natatanaw na tao. Mag isa na nga pala ako. Napagtanto ko na matagal na pala akong nag iisang umaabang ng jeepney sa lumang waiting shed na to. Matagal tagal na rin pala ako hindi umuusad, madami na ding dumaang jeepney pero ako mismo ayaw ko sumakay. Ako mismo hindi ko alam kung ano ba ang gusto ko, kung bakit ayoko sumakay o kung sino ang hinihintay kong padating. Basta ayoko sumakay, ayokong sumuko. 

Ayokong iwan.

dahil alam ko sa pagsakay ko hindi na ako makakabalik muli sa lugar na yun. 

dahil sa pag-usad ng panahon, natatakot akong makalimot. Natatakot akong  maiwanan ulit.

Natatakot ako.

Isang bagay na nagpatatag sa akin na maghintay doon. Naniniwala ako sa kanya.

may paparating.

may natatanaw ako.

nag umpisa ng umaakyat ang aking pag-asa na babalik siya.

pero..

nagkamali ako.

tumabi sa akin ang isang estranghero, tahimik lang kami, parehas na naghihintay. Naisip ko, siguro naiwanan din siya ng byahe. Pero ang pinagkaiba namin….

Mga lang minuto may dumaan na namang pampasaherong jeep. Walang nakasakay.

tumayo siya mula sa upuan.. hindi na siya nagdalawang isip na maghintay, handa na siyang umusad.. 

handa na siya sa BAGONG byahe.

nagulat ako at naiinggit, halo-halo ang naramdaman ko. nagulat dahil saglit lang sya umupo at ngayon handa na siya, nainggit ako dahil parang ang dali lang sa kanya na parang “ganun na lang?”, nalungkot ako dahil sa pag alis niya maiiwanan na naman ako mag-isang nakaupo sa waiting shed na to.

handa na siya

ako?

hindi ko alam.

Kinausap niya ang drayber ng jeep, pagkatapos tumingin siya sakin. Ngumiti siya at nagsabi,

“miss, hello? miss! ding-dong?”

“bakit?”

“hindi ka pa ba sasakay? malayo itong lugar wala ng dadaan dito, halika kana! Lets Go!”

Naka green na ang “traffic light”, hindi ako nagsalita, habang tumatagal nauubos na ang kabataan ko. Ayokong iwan ang lugar na ito. Ayokong umusad, ayokong maghanap ng iba, pero ayoko umalis pati siya. 

sumakay na ang estranghero.

Pinikit ko ang mga mata ko. Inalala kong maigi ang lugar na ito.

ang amoy,

ang paligid,

ang mga tao,

siya,

at ang waiting shed na ito.

habang naririnig ko ang makina ng jeepney at habang nakapikit hindi ko naiwasang lumuha. Ang lahat ng nangyari, ang lahat ng nasabi, ang lahat ng detalye, inalala ko at iniyak ko. Hindi na nagsalita ang estranghero, pinabayaan niya kong umiyak. dumilat ako ng saglit, nakita ko siyang nakapikit din.

At parehas kaming naglakbay.

dalawang estranghero.

isang istorya.

ang pag-u-umpisa nang byaheng jeepney namin.

ready na ako.

mag-go-go sa future.

itutuloy…

Advertisements
Comments
2 Responses to “Go Green!”
Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] Kwentong Jeepney Chapter 4 Pagpapatuloy ito sa “Go Green” na pangatlong na i-published sa blog na ito. Ito ay pagmamaayri ni Jo Vel. Sa ilalim ng bansang Pilipinas. Ang blog na ito ay protektado ng Philippine copyright law Republic Act No. 8293 o  Intellectual Property Code of the Philippines Chapter 1 – https://jorain.wordpress.com/2011/09/29/whispery-white/ Chapter 2 – https://jorain.wordpress.com/2011/12/01/slow-down/ Chapter 3 – https://jorain.wordpress.com/2011/12/22/go-green/ […]

    Like

  2. […] Chapter 2 – https://jorain.wordpress.com/2011/12/01/slow-down/ Chapter 3 – https://jorain.wordpress.com/2011/12/22/go-green/ Chapter 4 – […]

    Like



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: