Red Means Stop


Image

I do not own the pic. credits to December Sun via Flickr

Kwentong Jeepney Chapter 4
Pagpapatuloy ito sa “Go Green” na pangatlong na i-published sa blog na ito. Ito ay pagmamaayri ni Jo Vel.
Sa ilalim ng bansang Pilipinas.
Ang blog na ito ay protektado ng Philippine copyright law Republic Act No. 8293 o  Intellectual Property Code of the Philippines
 Chapter 1 - https://jorain.wordpress.com/2011/09/29/whispery-white/
Chapter 2 - https://jorain.wordpress.com/2011/12/01/slow-down/
Chapter 3 - https://jorain.wordpress.com/2011/12/22/go-green/

————————————————————————————————————————————————————————————

————————————————————————————————————————————————————————————-

Ang una kong ginawa ay tumakbo, tumakbo ng malayo..

naramdaman ko ang kalayaan ko, naramdaman ko ang buhay.

naramdaman ko ang puso ko ay para sa akin.

At ang buong katauhan ko ay para mahalin at magmahal.

Naglibot ako sa paligid.

At ginawa ko ang isang bagay na alam kong hinding hindi ko pagsisisihan.

pero..

Sa tuwing tatanungin ko ang aking sarili kung nasaan na ba ako? kung bakit patuloy pa din ako buma-byahe sa jeepney na ito kasama ang  estrangherong katapat ko, laging bahala nalang at sige sumunod nalang sa bagal at bilis ng pagtakbo ng panahon, sa matulin na takbo ng makina ng jeepney na ito.

May naramdaman akong tila nalimutan ko na kung ano, isang pakiramdam na sa tagal ng panahon ay ngayon ko lang ulit naramdaman. Habang tinitignan ko ang naka side-view’ng mukha niya may kirot akong nadadama sa aking dibdib ngunit bakit hindi ko maintindihan?

Malakas ang hanging galing sa bintana ng jeep, nagugulo ang buhok ko saka ko nalang napagtanto na kailangan ko na palang magpagupit. Katulad ng taon’g paghihintay ko napabayaan ko na pala pati ang aking buhok.

Humaba na ito ng napakahaba sa paglipas ng madaming taon. Tumingin muli ako sa estrangherong ito at naalala ko ang sinabi niya dati sa may Waiting Shed, ‘Handa ka na? Tara na! Lets Go!” at doon ko napagtanto na handang handa na ako sa bagong byahe, sa bagong adventure sa bagong…. “Ako“, yung tipong kailangan ko namang intindihin ang sarili ko.

Ang nais ko ay gawin ang mga bagay para sa sarili ko at hindi para sa iba. Kailangan ko ito hindi para sa taong iyon kundi para sa akin, sa ikakaayos ng  aking buhay.

Ako’y medyo napaisip muli kung sino ang nagbago? Siya? o Ako?

at kung ako sino ang nagpabago sa akin? Siya? o ang estrangherong ito?

Tumigil ang jeep, nag “STOP-Over”.

Nagbabaan ang ilang pasahero upang mag-abang ng bagong jeepney. Nasiraan ata ang makina ng jeepney mabuti nalang at kasama ko ang taong ito. Ang estrangherong aking naging “Kaibigan”.

Nilapitan ako ng estranghero nagpakilala siya sa kanyang pangalan, at nakaramdam ako ng kakaiba, isang pakiramdam na alam kong “masaya” pero pinigilan ko ang sarili ko, gaya ko alam kong nahirapan din siyang bumiyahe mag-isa, alam kong nahirapan siyang maghanap ng bagong jeep, alam kong nahirapan siya umalis sa “waiting shed”.

Gaya ko, natatakot din siyang “Makalimot o Makalimutan” kaya pinigilan ko ang anumang kakaibang nararamdaman ko.

Ang una kong ginawa ay tumakbo, tumakbo ng malayo.. para masabi ko sa sarili ko na “Hindi, hindi, hindi ito maaari

Naramdaman ko ang kalayaan ko, naramdaman ko ang buhay.. ng kausapin niya ko at niyayang bumiyahe kasama niya.

Naramdaman ko ang puso ko ay para sa akin.. Hindi para kanino man, ang puso ko ay nilikha para magmahal, ang aking puso at ang aking damdamin.

At ang buong katauhan ko ay para mahalin at magmahal.. Hindi lamang saktan ng isang nakaraan kundi para ihanda ang aking sarili sa kasalukuyan. Para sa totoong taong nararapat na maging para sa akin at ako para sa kanya.

Naglibot ako sa paligid.. para maghanap ng sagot sa aking mga katanungan patungkol sa bagong pakiramdam na ito. At ginawa ko ang isang bagay na alam kong hinding hindi ko pagsisisihan.

Ang magmahal muli.

Heto na naman ako, nagmamahal ngunit pa-sekreto.

Isang bagay na hindi ko maamin noon.

Isang bagay na takot na takot akong aminin sa sarili.

Nagmamahal na ako muli ngunit sa ibang tao na.

Hindi na Siya.. hindi na.. Akala ko hindi na ako makapagmamahal muli ngunit ano ito? Ayoko nito! Ayoko ng ganito.

Isang pagkakamaling magmahal ng isang naging “Kaibigan”.

Nakakaramdam na naman ako ng takot.

Takot na baka sa pag-amin ko masaktan ako.

Oo, na masaktan ako. Dahil ang sakit-sakit na. Dahil nakakatakot na..

Dahil hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya.

Natatakot ako na baka mawala ang lahat..

Na magbago ang lahat..

Natatakot ako..

kaya pinilit kong pigilan ang ano mang bagong pakiramdam na ito.

Pinigil ko.

At hanggang ngayon nilalabanan ko pa rin.

Muli ng aandar ang nasirang jeep..

Handa na rin ba akong magpatuloy sa biyaheng kasama ang estrangherong aking kaibigan?

Sa ilang minutong pagtigil parang isang buong dekadang hindi umusad ang aking isip.

Ayokong magmahal muli..

Ayoko na. pero..

Mahal ko siya.

Hanggang kailan kaya hihinto ang jeepney?

Nag-STOP-light na ang traffic light.

sa paghihinto..

mahihinto din kaya itong nararamdaman ko?

——————————————————————————————————————————————————-

itutuloy..

http://www.youtube.com/watch?v=-L4J85qppCY&feature=player_detailpage
Advertisements
Comments
2 Responses to “Red Means Stop”
  1. eyron says:

    nice one jo.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: