Waiting shed


Kwentong Jeepney Chapter 5 (Last Chapter)
Pagpapatuloy ito sa “Red means stop” na pang-apat na i-published sa blog na ito.
 Ito na rin ang huling artikulo o bahagi sa Kwentong Jeepney.
Ito ay pagmamaayri ni Jo Vel.
Sa ilalim ng bansang Pilipinas.
Ang blog na ito ay protektado ng Philippine copyright law Republic Act No. 8293 o  Intellectual Property Code of the Philippines
 Chapter 1 - https://jorain.wordpress.com/2011/09/29/whispery-white/
Chapter 2 - https://jorain.wordpress.com/2011/12/01/slow-down/
Chapter 3 - https://jorain.wordpress.com/2011/12/22/go-green/ 
Chapter 4 - https://jorain.wordpress.com/2012/03/25/red-means-stop-3/
————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————-

Ang kulay nang jeepney’ng ito. Nakita ko na ito noon. Pero saan nga ba ulit?

Nakita ko ang kulay na meron sya. Bughaw, kagaya ng kalangitan.

Bughaw na maihahalintulad sa kapayapaan.

 

Nakita ko sa mga mata niya ng umamin ako, nakita ko ang repleksyon ng buhay mula doon. Payapa, malaya.. Paalam.

 

Sa isang pag iwas nauwi ang lahat sa isang malaking pagkasawi. Sa isang iglap ang lahat ng hinagap ay isa na lamang alaala. At ang bawat alaala na nagdaang ilang oras, araw, taon o panahon ay isinara kagaya ng isang librong natapos at naubos na pahina.

Ang

lovestory..

namin ay nag umpisa sa isang waiting shed at nag tapos muli sa isa pang waiting shed. Kagaya ng mga lihim ng nakaraan at masalimuot na paglalakbay may mga estrangherong gaya niya na darating at makikilakbay, makikisakay sa jeepney’ng daraan at makikibyahe.

Ang masayang byahe na nauwi sa isang pagibig. Ang isang pagibig na hindi nabigyan na pangalawang pagkakataon at nagtapos sa isang paglimot. Maraming darating pang jeepney. At sa bawat jeepney’ng iyong masasakyan.. Andun ang bawat posibilidad at bagong pagkakataon para iba naman ang makatabi mo, iba naman ang makausap mo, iba naman ang ibigin mo.

Ang jeepney lovestory namin.. Ay nauwi sa isang “dead end” kagaya ng sa naunang pagibig. Ilan pa kayang darating? Ilan pa kaya ang mapapaibig, ilan pa sa karamihan ang masasawi?

Nagpaalam ako sa kanya na ako’y bababa na, hindi siya kumibo. Ilang oras ang nagdaan at tinanong niya ko kung sigurado na ako. Tumigil ang andar ng jeep. At bumaba na ko sa bughaw na langit.

Iniwan ko siya.

Iniwan ko din ang kapayapaang meron siya.

Sa aking pag amin dito nagtatapos. Sa aking pag iwas dito ako magsisimula.

Ang bughaw sa kanyang mga mata repleksyon ng aking kapayapaan. Sa bawat taong nakikilala, wala talaga ang natitira. Lahat sila ay dumaraan lang at nakikilakbay. Man ilan mang nagtatagal, ang bawat pangyayari ay may katumbas na

katapusan.

Gaya niyang duwag na naunang tumalikod sa akin. Ngayon ko naramdaman na masakit din pala ang tumalikod sa akala mong kinabukasan.

Ginawa ko ang isang bagay na akala ko ang siyang nauna lamang ang gagawa. Ang pagtalikod at paglimot ay siya rin palang aking niyakap.

Sa pagbababa, hinintay ko siyang pigilan ako. Hinintay ko siyang mahilin ako. Pero umandar ang jeepney at iniwan na ko. Tangay tangay ang estrangherong inibig ko.

Tumingala ako at muling inaninag ang bughaw na langit. Muli, nagiisa na naman ako. Sa paligid napansin ko na ibinaba pala ako sa isang waiting shed. Pero bakit? Para muli makasakay? O para may makasabay muli? Para maghintay? O para bumiyaheng nag-iisa? Pero hindi na ito ang waiting shed kung saan kami nagkatagpo. Bago na ito, sa kulay… —

Parehas ng laki at sukat pati na rin ng pagkakagawa pero iba ang kulay.

Teka!

Ang kulay..

Bughaw.

Ang amoy ng paligid, ang itsura na mga puno at halaman, ang katahimikan..

Hindi ako pwedeng magkamali!

Bago, tama! Bago ito.

Yun ang akala ko.

Bumalik lang ako sa lumang waiting shed. Sa haba haba ng paglalakbay ko, ibinaba niya ako kung saan kami unang nagkita. Ibinalik niya ko sa aking paraiso. Nagbago man, pinunturahan ito para muling magamit. Para muling maging karamay. Naramdaman ko na kahit papano..

Minahal din pala niya ako. Minahal na para ibaba ako sa lugar na ito, minahal na alam kong alam niya na bago ang “waiting shed” na ito.

Pero hanggan doon na lamang iyon. Hanggang doon na lamang at hanggang dito na lang ang kaya niyang gawin.

Lumingon ako at sinariwa ang naging byahe namin. Ngumiti at nagsabi…

“Salamat, at paalam kaibigan”

 

———

Featured image used is owned by: Eye in the blue sky blog. Visit them on this site: http://eye-in-the-blue-sky.blogspot.com/2010_05_01_archive.html

Advertisements
Comments
One Response to “Waiting shed”
  1. Bernice says:

    Wow, amazing weblog layout! How long have you ever been running a blog for?

    you made blogging glance easy. The whole look of your site is great, as smartly
    as the content material!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: