rimarim


Isang bote lang para sa isang libong kwento ng isang kaibigan. Ang paglaglag ng maskara at pagtanggap sa katotohan. Isang sikreto na hangga’t maaari ay ibabaon namin sa aming isipan, gaano man katagal ang pang habang buhay.

Malapit na magdilim. Mamaya. Mamaya ay tatawagin ka na naman ng mahalimuyak niyang pagtangis. Tinatawag.. Pauli-ulit.. Papunta sa dilim. Alam mong mali ngunit hindi mo mahihindian.

Ilang mali. Ilang pagtanggi. Ilang paghindi. Nauwi parin sa maraming mali.

Tinanong. Napasubo. Hindi matuldukan. Isang sakit. Hindi malimot. Ilang alaala. Ayaw wakasan. Hindi makawalas. Hinahanap-hanap. Pag-tangis. Pag-iyak. Potang ina.

Gaya ng hindi pagbabago ng ikot ng mundo, sirkulasyon ng tubig mula sa lupa hanggang langit, hindi nagbago ang persepsiyon ng isang kaibigan mula sa katotohanang inihandang isubo sa kanya.

Ang pagwawangis, walang lumuha. Ang katanungan, walang kasagutan. Hanggang kailan matatapos. Hanggang kailan tatanggapin. Mali. Mali. Maling mali. Potang ina mali na naman.

Muling didilim. Tatawagin ka na naman niya sa kanyang piling. Alam mong mali. Isang rimarim.

Katahimikan, kinain ng sariling pagluluksa. Muli, dadalawin ka na naman ni kamatayan at paulit-ulit kang mamatay.

Suot suot niya ang maskara na nagtatago ng katotohanan na pilit niya man itago at ibaon sa kawalan ay paulit ulit siyang susundan gaya ng isang bangungot na hindi siya pa tatahimikin hangga’t wala ng natitirang bakas ng kanyang pagkatao.

Hanggang kailan matatapos? Hindi ito masasagot ng kung sino man kundi siya lamang. Walang pagpipigil ngunit may sukdulan. Walang nakaaalam ngunit hindi pang-habang buhay.

Hindi makausad. Hindi mapakali. Walang kapayapaan. Tinapalan ng mali. Tinapakan ang katotohanan. Isang rimarim.

Ang pagkamatay ng kanyang pagkatao. Ibinaba niya ang maskara niya. Muli siyang babangon. Pero… isang katanungan kung matatapos ang lahat sa kanyang pagkadapa, siya lang ang may alam ng kasagutan.

Sa pagdilim, alam mong may naghihintay. Muli ka niyang tatawagin. Isang paghindi. Handa mo na bang sabihin? Sa huli, aabangan ko ang pagsilang ng bagong pag-usbong ng iyong liwanag. Yakapin mo ang pagbungad na hatid ng iyong malayang hinaharap.

Sa dilim. Makakakita din ng liwanag. Sa rimarim na ito, may naghihintay na pag-asa. Meron pa. Mamimili ka lang. Tapangan mo… meron pang pag-asa… meron pa. Nagtatago lang sa kawalan. Mabuhay ka. Pilitin mo. At. Kung. Handa ka na. Itaas mo ang bote. At. Sasabayan kita.

Isang sikreto na habang buhay walang sino man ang makaaalam. Gaano man katagal ang pang habang buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: