Ang dasal ng isang bata (For Media Writing Subject)


Ito ay isinulat ko ng isang gabi lamang. Out of frustration, out of guilt and out of determination. Frustration kasi kailangan ko makapag-isip at makapag sulat kaagad kasi kinabukasan na ang pasahan nito, out of guilt kasi syet bagsak ako ng prelims hindi ko afford bumagsak rito sasakalin na ko at ibibitin patiwarik ng parents! At determination dahil gusto ko mapatunayan ang sarili kong “worth” kumbaga, gusto kong masabi sa professor ko na “ser, pasensya na medyo tumagilid lang nung prelims babawi ako this time.”

Rosaryo

Boracay

Bag na punong puno ng pera

Selpon na walang signal

Tatay na Bi-Polar

Ang mga nabanggit ay mga salitang dapat naming gawan ng isang istorya. Tama, isang istorya na kung saan present ang mga salitang iyan. Dalawang konsepto lang ang naisip ko. Yung una hindi nag work kasi nung nasa kalagitnaan na ko ay napangitan ako at wala ng emotion yung ginagawa ko so kumuha na naman ako ng scratch at nag wonder sa kailaliman ng aking hinagap. Nagpalamon ako sa dilim at liwanag. At dito mag-uumpisa ang isang dasal. Ang aking dasal n asana umabot sa passing grade.

—————————————————————————————————————————————————————————-

Ang dasal ng isang bata.

ISINULAT NI JOVEL

Aba ginoong maria…

Napupuno ka ng grasya…

Anak narinig kong sambit ni inay. Andiyan na ata ang tatay mo. Ituloy mo ang pag-rorosaryo at paghahainan ko lang ang tatay mo.

 

Hindi ako kumibo. Tumango lang ako at hinawakan ng mahigpit ang rosaryo, itinuloy ko ang pagdarasal.

Ang diyos ay sumasaiyo.. Kalabog ng lamesa… bukod kang pinagpala… Sunod ay malakas at iritang boses ng isang lalaki kasabay ang pag-iyak ng isang babae.. Sa babaeng lahat… Si inay.

Sinasaktan na naman ni tatay si nanay. Masama na naman ang naging araw ni itay. Tumahimik, kasunod nito ay malalakas na yapak ng mga paa. Tumigil ako sa pag-hinga… May nagbukas ng pinto… Diyos ko… Natatakot na po ako.

Buwisit na bahay ‘to! Buwisit na buhay ang meron ako! Ikaw!

 

Sabay tingin sa akin. Mga matang tila ba ay kakainin ako ng buhay.

Umalis ka sa daraanan ko!

 

Sigaw ni tatay sabay tadyak sa aking likuran. Ayokong gumalaw… Natatakot na ako… Inay… Diyos ko… Nasaan ang nanay?

Ipinikit ko ang aking mga mata. Inalala ko ang matagal na naming pangarap ni inay. Nangako ako kay inay na yayaman ako. Balang araw uuwi ako ng bahay na may dalang bag na maraming pera at dadalhin ko si Inay sa malayong lugar. Gusto niya puntahan ang pinong pino at mapuputing buhangin ng Boracay at doon sa paraisong iyon kami ay mabubuhay ng mala hari at reyna. Baka sakali na din na sa pagyaman ko ay magbago na si tatay. Makakatulog na siya ng maayos at hindi na niya kailangan pang mag-trabaho at baka mula rito magbago siya at pag-nangyari iyon isasama ko siya sa paraiso namin ni inay. Sipa mula sa kanang paa patungo sa aking dalawang paa. Napapikit ako sa sakit.

Sinabi kong umalis ka diyan e!

 

Sigaw muli ni itay. Hindi ko siya maintindihan kapag masaya ang naging araw niya ay minsan dinadalhan niya kami ng pagkain o nilalambing niya si nanay pero madalas siyang umuuwing ganito. Nakakatakot. Nakakakaba. Nakakapanghina.  Minsan hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasaan ka inay? Natatakot na po talaga ako.

Magda! Huwag kang mag-drama at inarte! Lumapit ka rito! Hoy Magda!

 

Galit na sigaw ni tatay.

Hoy ikaw! Puntahan mo nga ang nanay mo!

 

Dali-dali akong tumayo na para bang nawala lahat ng sakit sa aking katawan. Hawak ko pa rin ang rosaryo. Inay nasaan ka? Bulong ko sa aking sarili. Ang sumunod na pangyayari ay gumimbal sa aking pagkatao. Sa batang gaya ko na labing dalawang taong gulang pa lamang, hindi ako nakagalaw o nakapagsalita man lamang. Lumapit ang tatay at nagwika na pag-sigaw.

Ang sabi ko sayo puntahan mo ang nanay mo! Bakit nakatayo ka lang diyan?

 

Sa isang iglap akala ko huminto na ang oras. Pakiramdam ko humiwalay ang aking kaluluwa. Sa isang iglap para akong tinuturukan ng maraming karayum at binasa ng nagyeyelong tubig mula ulo hanggang paa. Sa isang batang lalaking gaya ko wala na ako nagawa kundi ang lumuha. Dali daling tumakbo si itay sa walang malay na katawan ni nanay. Kinuha niya ang selpon niya sa kanyang bulsa. Tumingin siya sa aking kinaroroonan at sumigaw nang…

TUMAWAG KA NG TULONG SA LABAS! PUNTAHAN MO SI TITO ERLING MO! WALANG SIGNAL ANG SELPON KO! ANGELO! KILOS NA!

 

Hindi pa rin ako natinag. Narinig ko ang taimtim na dasal ni itay kay inay. Sambit sa walang malay nitong katawan.

Magda, gumising ka na. Mahal kita, Magda.

 

At doon tumakbo ako ng matulin. Patungo sa tulong n asana ay maabot. Sana makaabot… sana… sana…

–          Wakas       –

—————————————————————————————————————————————————————————-

Hay.. Gusto ko sana mag-thank you kay ser! Hindi ko talaga pinost sa blog ko ito hanggat hindi natatapos ang sem. Thank you sa kanya kasi kung di niya ko pi-nush sa limit ay hindi ako gagalaw haha. Feeling ko kasi kasama ako sa Immovable Object na kailangan pang i-push ng isang Unstoppable Force. At sa eksenang ito, si ser ang Unstoppable Force ko wherein Hardness never dies. HAHA  Tenk u po talaga at kay lord sa lahat ng blessings.

I love you lord.

–          Jovel 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: