Ang pagsigaw ng hangin


Sinigaw mo, sinigaw ko. Ang pader lang ang nakarinig. Umiyak ka, umiyak ako. Nagunaw ang mundo… Mo at ako. Pareho lamang tayong nadurog.

Ibinulong ko sa pader. Ngunit bumalik ang mga salita. Humawi ang hangin at hindi ako nakahinga. Sinampal ako ng ilang ulit ng bawat letrang iyong binanggit. Namatay ang pakiramdam at naglaho ng walang sambit.

Tumalon ka sa galit habang ako’y nagpa-ikot ikot sa kawalan. Sinuntok mo ang pader ngunit wala ka pa ring naramdaman. Pagkaraan ay malay mo naman ang nawalan.

Isusulat ko ngayong gabi.
Ang kwento ng bawat nating mali,
Na akala natin tayo’y pawang mga api,
Sa mundo nating parehong makasarili.

Galit, poot, hinaing, sama ng loob, hinanakit, alinmang mga salita ngunit iisa lamang ang ibig sabihin. Matapos? Hindi matatapos ito ng isang gabi lamang. Sino… kanino makikinig?

Nanatiling nakatindig ang pader. Kasing-taas ng langit. Pinagtibay ng galit. At hindi na muling lumingon, kahit isang saglit.

Panghuli, isusulat ko ngayong gabi.
ang lahat ng matatamis na sandali.
Na pwede nating mabalikang muli.
At kung malaman natin tayo nga sa bandang huli.

Agosto 2, 2015 || 22:27 || The Jovelist

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: