Sa huling pagkakataon


Paalam.

Panandaliang ligaya.
Pansamantalang pagibig.

Hiram na sandali.

Alam mong mali.
Alam kong mali.
Hanggang sa huli.
Alam nating mali.

Subalit.

Sa bawat sambit.
Pangalan mo’y bitbit.
Tiyak at walang kapalit.
Damdaming aking nais ipilit.

Minamahal kita.

Mula sa aking dilang makata.
Pabor mula sa iyo aking sinta.
Sampalin mo ko ng bawat salita.
Paki-lakasan nang ikaw ay hindi na makita.

Muli.
Sa huli.
Sa ilang sandali.
Baklasin ang mga tali.

Na namamagitan.
At tuluyang kalimutan.
Pagsasama na hindi dapat tularan.
Sa mga gaya nating talunan.

Sa larong ito.
Parehas lamang tayong talo.
Sa sandaling ito.
Kasing labo ng puwet ng baso.

Mga salitang lason.
Mga alaalang nais itapon.
Marka mo’y baon-baon.
Sa kahapon mo na nais limutin ng aking panahon.

October 17, 2015 | The Jovelist | Ikalawang Rimarim: Sa huling pagkakataon

Para sa iyo kaibigan, sana makalaya ka na sa rimarim.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: