Ariel and Jen


Isang bilyong tao o higit pa sa pitong kontinente ang nabubuhay at namamatay sa nag-iisang mundo. Minsan o kadalasan sa karami-raming mga tao na nakakasalubong mo, sa bawat mukhang nakikita mo sa daan, sa tricycle, sa jeepney, bus o lrt. At sa bawat estrangherong nakakabangga o nakakagitgitan mo. Hindi natin alam kung anong kalokohan na naman ang mangyayari. Hindi kasi tayo sigurado sa kung anong gustong mangyari nitong si tadhana. Madalas, napapaisip tayo kung ano na namang trip ito at kung bakit nangyayari ang mga ito. Maski si tadhana kasi, ay walang ideya kung ano ang ilalatag niyang plano para sa atin. Siya mismo ay sumasabay sa kung anong trip mo, o trip ni kuyang naka-shades kahit walang araw, o trip ni ms saleslady na kulang na lang ay ibigay ang buong mundo bumili ka lang ng produkto niya o mas malala, trip ng boss mo na hindi mo alam kung sarkastikong sinabing ang ganda ng buhok mo kahit hindi ka pa nagsusuklay buong araw.

Bawat isa sa atin ay naglalakad sa mundong ito na tila bang may hinahanap na kung ano pero hindi tayo sigurado kung ano nga iyon. Para tayong walking zombie. Buti pa nga yung mga zombies sa plants vs zombies, alam nila ang gusto nila…. Brains!! E tayo?

Tingin ko, kaya hindi natin alam ang totoong gusto natin ay sa ka-dahilanang hindi pa natin natutuklasan ang totoong depinisyon ng tinatawag na pagmamahal.

 

Pag-ibig.

Pag-ibig ang siyang dahilan ng lahat ng magagandang bagay o pangyayari sa mundo. Ilang ulit man tayo mabigo, masaktan, manakit ng sadya o ‘di sadya, magmahal, mahalin, at mabigo muli sa ilang ulit na pagkakataon. Tayo ay palaging sinasalo ng pag-ibig.

Sabi nila sa pagpapakasal natatali ang isang tao. Ibig sabihin, wala na siyang kalayan. Ngunit mali sila, ika nga ni Coelho “Freedom is not the absence of commitments, but the ability to choose and commit [myself] itself to what is best [for me].”

Ang pagibig ay malaya. Hindi ito dinidikta ng ating saraling persepyon o ideya ng pagmamahal. “Love is not a habit, a commitment, or a debt. It isn’t what romantic songs tells us. It is simply is.”

Mapalad ang mga taong nagmamahal ng kanilang sarili. Sapagkat sa pagmamahal na iyon, nakakapagbahagi sila ng pagibig para sa ibang tao. Mapalad rin ang mga taong nakapaghihintay, mga taong hinahanap ang sarili, mga taong hindi takot tumalon sa talon, mga taong kayang maging mag-isa.

Kung hindi mo ito nagawa, hindi mo makikita ang sarili mo. Hindi mo magagawang mahalin ang pagkataong meron ka. Hindi mo rin magagawang magmahal ng iba dahil sa totoo lang, hindi mo alam kung bakit ka nagmamahal.

Kabilang ako sa mga walking zombies na noon ay hindi alam ang gusto at patuloy na gumagala sa mundo. Ngunit mapalad ako dahil sa paghanap ni Ate ng sarili niya, nahanap ko rin ang sarili ko. Sa bawat lugar na aming napupuntahan at sa bawat “adventure” na aming hindi mahindian. Dalawa kaming ligaw na tao na pumupuri sa ganda at madilim na mundo.

Ngayon, may bago na siyang “travel buddy” na makakasama niya sa buong buhay niya. At alam kong handa na siya sa kanyang bagong “adventure” kasama ang lalaking pinagdasal niya buong buhay niya.

Hindi na niya ko makaka-date ng madalas gaya ng dati kasi araw-araw at gabi-gabi may makakasama na siya sa malls, sa concerts, sa mga gala happenings niya, na noon ay role ko. May taga-buhat na ng grocery niya, taga ubos ng pagkaing hindi niya na kayang ubusin at mayroon na tagasabi na “seksi” siya kahit hindi. Joke lang te! 🙂

Wala na ko ma-bu-bully dahil simula ngayon, pupunuin na ng pagmamahal ang buong pagkatao niya. Magmula ngayon, haharapin na niya ang buhay na may panibagong perspective kasama ang lalaking handang mag-take ng role ko para sa kanya. Handang gumising sa umaga para makasabay siya sa simbang gabi, handang tumingin ng mga damit na bagay para sa kanya, at handang magmahal sa kanya higit pa sa kayang ibigay ng isang kapatid.

Ang tagal mong hinintay ito te. Ang daming taon natin itong pinagdasal. Sa bawat simbahang pinupuntahan natin ito ang hiling. Mabait si lord kasi finally, Ariel happen to you! P7.50 na lang pero binigay sayo ni lord ng libre. Walang labis at walang kulang. Salamat kay lord dahil sa pagibig. Pasalamat ka rin kasi kahit wala pa si kuya Big A ay may totoong Love ka na nakikita, nakakausap at nakakasama sa bahay at sa mga trip mo! 🙂

 

Para sa lahat, itong araw na ito ay selebrasyon hindi lamang ng pag-ibig ng dalawang tao. Ito ay selebrasyon ng pagibig. Parang sila si R sa movie na warm bodies. Walking zombies na tuluyang naging tao dahil umibig. Nagkaroon ng kamalayan para maging buo. And now as we witness these two as they officially became “husband” and “wife” nangailangan ako ng tulong ni Bob Marley para sa rito. ☺

For you Ate:

“He’s not perfect. You aren’t either, and the two of you will never be perfect. But if he can make you laugh at least once, causes you to think twice, and if he admits to being human and making mistakes, hold onto him and give him the most you can. He isn’t going to quote poetry, he’s not thinking about you every moment, but he will give you a part of him that he knows you could break. Don’t hurt him, don’t change him, and don’t expect for more than he can give. Don’t analyze. Smile when he makes you happy, yell when he makes you mad, and miss him when he’s not there. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don’t exist, but there’s always one guy that is perfect for you.”

And he will walk and join you on your journey now.

 

For you Kuya:

“You may not be her first, her last, or her only. She loved before she may love again. But if she loves you now, what else matters? She’s not perfect—you aren’t either, and the two of you may never be perfect together but if she can make you laugh, cause you to think twice, and admit to being human and making mistakes, hold onto her and give her the most you can. She may not be thinking about you every second of the day, but she will give you a part of her that she knows you can break—her heart. So don’t hurt her, don’t change her, don’t analyze and don’t expect more than she can give. Smile when she makes you happy, let her know when she makes you mad, and miss her when she’s not there.”

For the both of you, don’t throw what you had and will have. Cherish it. Every damn thing about it. Because it’s rare. It’s hard to find in the first place. Sabi nga ni Nietzsche “All that is rare, for the rare”.

 

 

Love | January 16, 2016 | A + J Wedding | Tagaytay City, Philippines.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: