Kwentong Jeepney


 

 —————————————————————————————–

Chapter 1 : Whisper White

 —————————————————————————————–

Ang lovestory namin ay parang biyahe sa Jeepney.

innocence of purity

Dalawa kaming naghihintay sa waiting shed

Maaraw na maulan na hindi namin maintindihang panahon ay maaaring maihalintulad sa aming pag-uugali  sa isa’t isa.

Parang amo at aso ang ugali namin, minsan ako yung aso at siya yung amo ngunit kadalasan siya itong mas nagiging aso ang ugali.

   

 

Minsan ang ugali niya ay parang babae, may mga gusto siyang sabihin na hindi ko maintindihan kaya minsan ito ang nagiging eksena namin: 

“Habang nag-aabang ako sa waiting shed para sumakay sa paparating na jeep ay sakto nanainag ko siya, nagmamadali, kakaunti lamang ang sakay niya pero akala ko makakasakay nako, dumating nga siya pero isa siyang bus, jeep ang hinihintay ko pero bus siyang dumating..”

 

Hindi ko siya masakyan

   

Mahilig din siya sa mga riddles at mga “guess the word” kaso hindi ako ka-galing dun, minsan nasasagot ko pero kadalasan ay na-i-islow ako dahilan para kulitin ko siya sa mga kasagutan. Minsan iniisip ko na sana’y ang itanong niya ay kung may gusto ba ko sa kanya at kukulitin ko naman siya kung ano ba sa tingin niya, kaso sa mga oras na yon iba ang nagiging daloy nang pag-uusap namin. 

Bukod sa slow learner ako ay positibong slow din ako sa pag ibig, madalas na nangyayaring nagiging “late bloomer” ako pagdating sa pagka-gusto o pagka-hilig sa mga bagay-bagay sa paligid kaya nga siguro hindi ko na maalala kung paano ko inumpisahang mahalin siya, hanggang ngayon, habang isinusulat ko ito na-wo-wonder pa rin ako sa kawalan nang katanungan kung bakit ako nahulog sa taong gaya niya at lalong hindi ko na din alam kung hanggang saan pa ang patutunguhan ng biyaheng jeepney namin na ito pero naniniwala ako na medyo matatagalan bago siya o ako bumaba sa jeep. Parehas kaming napag-iwanan, siguro kami sa huli.. hindi ko alam ngunit pag kasama siya hindi ko na naaalala ang nangyari sa nakaraan.. ganun din kaya siya? naalala padin ba niya? ako na kaya? o siya na kaya? kami na ba kaya?

   

Bumalik kami sa eksenang parehas kaming nakatayo sa waiting shed

 

sabay na naghihintay sa jeepney’ng darating

 

wala pang kulay na iba pang bumabalot sa paligid

 

hindi pa kami magkakilala..

wala pang kulay ang lahat…

tahimik lamang kaming parehas….

 

sumusunod sa agos nang nakaraan patungo sa kasalukuyan…..

 

parehas pa kaming hindi pa bumibitaw sa nakalipas……

ngunit unti-unti nang nagiging handa para bumiyahe sa kasalukuyan…….

 —————————————————————————————–

Chapter 2 : Slow Down

 —————————————————————————————–

“Para akong naghihintay sa Jeepney na parating, sa sakayan ng Tren”

Siya ang unang tao na para sa akin ay importanteng bahagi ng pagmamahal. Isa siyang nakaraan na bahagi na ng kasaysayan.

Imposible. Ito ang unang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa langit. Imposibleng makalimutan ko kaagad-agad ang taong iyon. Dumating siya sa panahong bata pa ako at wala pang malay sa realidad ng pag-ibig. Pilit kong nililimot ang lahat ng bagay sa nakaraan na paghihinayangan ko lang. Ayoko na kasing isipin na dapat ginawa ko iyon o ginawa ko ito kundi sana balang araw magiging masaya din ako, na sa mga susunod na araw may mga bagay pang mangyayari na maganda. Balang araw babalikan ko ang eksenang ito at wala na kong mararamdaman. Balang araw magiging masaya ako sa naging desisyon ko.

Nasa eksena na ako na kung saan ay nag aabang ako ng masasakyang jeepney. Kulay Dilaw ang langit, hapon na, lahat ng jeep na ito gusto na dun ako sumakay pero pinili ko ang medyong bago na sa tingin kong mabilis ang takbo para makarating kaagad kahit madaming sakay sumiksik pa din ako.

Masaya ang naging adventure ko sa nasakyan ko kahit hindi na ako maka upo ng maayos sa sobrang daming pasahero ay sa tingin ko tumama ako, mabilis ang takbo, walang traffic, pero hindi marunong sumunod sa traffic rules ang drayber.

Naka “Yellow light” ang traffic light ibig sabihin “SLOW DOWN” pero siya matulin pa din ang takbo, parang hinahabol ni kamatayan. Nakakatakot na exciting na ewan basta nakakakaba.

Malayo pa ang byahe ko pero dahil sa bilis nang aming takbo ay hindi ko na namalayan na marami na din pala akong nalagpasan. Mga lugar, mga tao, mga bagay-bagay sa paligid na panandalian ko lamang nasulyapan dahil sa bilis ng takbo ng jeep.

Parang walang katapusang byahe.

Biglang tumigil ang takbo ng jeep, nagbabaan ang ibang pasahero sasakay siguro ng ibang rutang jeep o maglalakad nalang, habang hinihintay ko ang muling pag andar nito nakita ko ang nakaraan ko pero wala pa ang kasalukuyan.

Lahat nakasakay na at nag move-on na ang pila ng mga jeep pero ang napili kong jeep matagal bago muling umandar, unting-unti nauubos ako habang tumatagal ang oras sa aking pagkakaupo. Wala paring sumasakay na mga pasahero, napansin ko ang paligid ko na ako na lang pala ang pasahero rito pero, nasaan na ang drayber? Nasaan na ang mga tao? Nasaan na siya? Nawala bigla ito. Tumigil na pala ang byahe, naiwan ako sa jeep na mag-isa. Sa jeep na hindi ko naman kayang patakbuhin. Naiwanan na din ako ng byahe.

Iniwan na niya akong mag-isa.

At naisip ko na dito na nagtatapos ang byahe kong ito sa jeep na ito. Kailangan ko ng bumaba para mag-abang at pumara muli ng bagong masasakyan. At ginawa ko nga, bumaba ako ng dahan-dahan, tumingin sa paligid kung may mga naiwang jeep na pwede pang masakyan, naghintay sa anumang parating, naghintay na naghintay…

mahirap pala humanap ng iba…

Hanggang may nakita akong parating na tao, tumabi sa kung saan ako nag-aabang, at sa wakas nakakita din ako ng kasamang ba-byahe, parehas kaming naiwanan pero sana parehas din kami ng ruta.

Ang noon na mala-dilaw na hapon ay nabalot ng walang kulay na dilim. Naghihintay na may masakyan at matagpuan ang tunay na daan patungo sa tamang landas na tatahakin.

—————————————————————————————–

Chapter 3 : GO Green!

 —————————————————————————————–


I do not own the pic.

Lahat naka-move on na, Ikaw na lang ang hindi pa

-The Brewrats Republic, Phils.

Bumaba ako sa jeepney ng hindi alam kung saan nako nakarating. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, wala akong natatanaw na tao. Mag isa na nga pala ako. Napagtanto ko na matagal na pala akong nag iisang umaabang ng jeepney sa lumang waiting shed na to. Matagal tagal na rin pala ako hindi umuusad, madami na ding dumaang jeepney pero ako mismo ayaw ko sumakay. Ako mismo hindi ko alam kung ano ba ang gusto ko, kung bakit ayoko sumakay o kung sino ang hinihintay kong padating. Basta ayoko sumakay, ayokong sumuko.

Ayokong iwan.

dahil alam ko sa pagsakay ko hindi na ako makakabalik muli sa lugar na yun.

dahil sa pag-usad ng panahon, natatakot akong makalimot. Natatakot akong  maiwanan ulit.

Natatakot ako.

Isang bagay na nagpatatag sa akin na maghintay doon. Naniniwala ako sa kanya.

may paparating.

may natatanaw ako.

nag umpisa ng umaakyat ang aking pag-asa na babalik siya.

pero..

nagkamali ako.

tumabi sa akin ang isang estranghero, tahimik lang kami, parehas na naghihintay. Naisip ko, siguro naiwanan din siya ng byahe. Pero ang pinagkaiba namin….

Mga lang minuto may dumaan na namang pampasaherong jeep. Walang nakasakay.

tumayo siya mula sa upuan.. hindi na siya nagdalawang isip na maghintay, handa na siyang umusad..

handa na siya sa BAGONG byahe.

nagulat ako at naiinggit, halo-halo ang naramdaman ko. nagulat dahil saglit lang sya umupo at ngayon handa na siya, nainggit ako dahil parang ang dali lang sa kanya na parang “ganun na lang?”, nalungkot ako dahil sa pag alis niya maiiwanan na naman ako mag-isang nakaupo sa waiting shed na to.

handa na siya

ako?

hindi ko alam.

Kinausap niya ang drayber ng jeep, pagkatapos tumingin siya sakin. Ngumiti siya at nagsabi,

“miss, hello? miss! ding-dong?”

“bakit?”

“hindi ka pa ba sasakay? malayo itong lugar wala ng dadaan dito, halika kana! Lets Go!”

Naka green na ang traffic light, hindi ako nagsalita, habang tumatagal nauubos na ang kabataan ko. Ayokong iwan ang lugar na ito. Ayokong umusad, ayokong maghanap ng iba, pero ayoko umalis pati siya.

sumakay na ang estranghero.

Pinikit ko ang mga mata ko. Inalala kong maigi ang lugar na ito.

ang amoy,

ang paligid,

ang mga tao,

siya,

at ang waiting shed na ito.

habang naririnig ko ang makina ng jeepney at habang nakapikit hindi ko naiwasang lumuha. Ang lahat ng nangyari, ang lahat ng nasabi, ang lahat ng detalye, inalala ko at iniyak ko. Hindi na nagsalita ang estranghero, pinabayaan niya kong umiyak. dumilat ako ng saglit, nakita ko siyang nakapikit din.

At parehas kaming naglakbay.

dalawang estranghero.

isang istorya.

ang pag-u-umpisa nang byaheng jeepney namin.

ready na ako.

mag-go-go sa future.

—————————————————————————————–

Chapter 4 : Red Means Stop

 —————————————————————————————–

Image
I do not own the pic. credits to December Sun via Flickr

Ang una kong ginawa ay tumakbo, tumakbo ng malayo..

naramdaman ko ang kalayaan ko, naramdaman ko ang buhay.

naramdaman ko ang puso ko ay para sa akin.

At ang buong katauhan ko ay para mahalin at magmahal.

Naglibot ako sa paligid.

At ginawa ko ang isang bagay na alam kong hinding hindi ko pagsisisihan.

pero..

Sa tuwing tatanungin ko ang aking sarili kung nasaan na ba ako? kung bakit patuloy pa din ako buma-byahe sa jeepney na ito kasama ang  estrangherong katapat ko, laging bahala nalang at sige sumunod nalang sa bagal at bilis ng pagtakbo ng panahon, sa matulin na takbo ng makina ng jeepney na ito.

May naramdaman akong tila nalimutan ko na kung ano, isang pakiramdam na sa tagal ng panahon ay ngayon ko lang ulit naramdaman. Habang tinitignan ko ang naka side-view’ng mukha niya may kirot akong nadadama sa aking dibdib ngunit bakit hindi ko maintindihan?

Malakas ang hanging galing sa bintana ng jeep, nagugulo ang buhok ko saka ko nalang napagtanto na kailangan ko na palang magpagupit. Katulad ng taon’g paghihintay ko napabayaan ko na pala pati ang aking buhok.

Humaba na ito ng napakahaba sa paglipas ng madaming taon. Tumingin muli ako sa estrangherong ito at naalala ko ang sinabi niya dati sa may Waiting Shed, ‘Handa ka na? Tara na! Lets Go!” at doon ko napagtanto na handang handa na ako sa bagong byahe, sa bagong adventure sa bagong…. “Ako”, yung tipong kailangan ko namang intindihin ang sarili ko.

Ang nais ko ay gawin ang mga bagay para sa sarili ko at hindi para sa iba. Kailangan ko ito hindi para sa taong iyon kundi para sa akin, sa ikakaayos ng  aking buhay.

Ako’y medyo napaisip muli kung sino ang nagbago? Siya? o Ako?

at kung ako sino ang nagpabago sa akin? Siya? o ang estrangherong ito?

Tumigil ang jeep, nag “STOP-Over”.

Nagbabaan ang ilang pasahero upang mag-abang ng bagong jeepney. Nasiraan ata ang makina ng jeepney mabuti nalang at kasama ko ang taong ito. Ang estrangherong aking naging “Kaibigan”.

Nilapitan ako ng estranghero nagpakilala siya sa kanyang pangalan, at nakaramdam ako ng kakaiba, isang pakiramdam na alam kong “masaya” pero pinigilan ko ang sarili ko, gaya ko alam kong nahirapan din siyang bumiyahe mag-isa, alam kong nahirapan siyang maghanap ng bagong jeep, alam kong nahirapan siya umalis sa “waiting shed”.

Gaya ko, natatakot din siyang “Makalimot o Makalimutan” kaya pinigilan ko ang anumang kakaibang nararamdaman ko.

Ang una kong ginawa ay tumakbo, tumakbo ng malayo.. para masabi ko sa sarili ko na “Hindi, hindi, hindi ito maaari

Naramdaman ko ang kalayaan ko, naramdaman ko ang buhay.. ng kausapin niya ko at niyayang bumiyahe kasama niya.

Naramdaman ko ang puso ko ay para sa akin.. Hindi para kanino man.

At ang buong katauhan ko ay para mahalin at magmahal.. Hindi lamang saktan ng isang nakaraan kundi para ihanda ang aking sarili sa kasalukuyan. Para sa totoong taong nararapat na maging para sa akin at ako para sa kanya.

Naglibot ako sa paligid.. para maghanap ng sagot sa aking mga katanungan patungkol sa bagong pakiramdam na ito. At ginawa ko ang isang bagay na alam kong hinding hindi ko pagsisisihan.

Ang magmahal muli.

Heto na naman ako, nagmamahal ngunit pa-sekreto.

Isang bagay na hindi ko maamin noon.

Isang bagay na takot na takot akong aminin sa sarili.

Nagmamahal na ako muli ngunit sa ibang tao na.

Hindi na Siya.. hindi na.. Akala ko hindi na ako makapagmamahal muli ngunit ano ito? Ayoko nito! Ayoko ng ganito.

Isang pagkakamaling magmahal ng isang naging “Kaibigan”.

Nakakaramdam na naman ako ng takot.

Takot na baka sa pag-amin ko masaktan ako.

Oo, na masaktan ako. Dahil ang sakit-sakit na. Dahil nakakatakot na..

Dahil hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya.

Natatakot ako na baka mawala ang lahat..

Na magbago ang lahat..

Natatakot ako..

kaya pinilit kong pigilan ang ano mang bagong pakiramdam na ito.

Pinigil ko.

At hanggang ngayon nilalabanan ko pa rin.

Muli ng aandar ang nasirang jeep..

Handa na rin ba akong magpatuloy sa biyaheng kasama ang estrangherong aking kaibigan?

Sa ilang minutong pagtigil parang isang buong dekadang hindi umusad ang aking isip.

Ayokong magmahal muli..

Ayoko na. pero..

Mahal ko siya.

Hanggang kailan kaya hihinto ang jeepney?

Nag-STOP-light na ang traffic light.

sa paghihinto..

mahihinto din kaya itong nararamdaman ko?

—————————————————————————————–

Chapter 5 : Waiting Shed

 —————————————————————————————–

Ang kulay nang jeepney’ng ito. Nakita ko na ito noon. Pero saan nga ba ulit?

Nakita ko ang kulay na meron sya. Bughaw, kagaya ng kalangitan.

Bughaw na maihahalintulad sa kapayapaan.

Nakita ko sa mga mata niya ng umamin ako, nakita ko ang repleksyon ng buhay mula doon. Payapa, malaya.. Paalam.

Sa isang pag iwas nauwi ang lahat sa isang malaking pagkasawi. Sa isang iglap ang lahat ng hinagap ay isa na lamang alaala. At ang bawat alaala na nagdaang ilang oras, araw, taon o panahon ay isinara kagaya ng isang librong natapos at naubos na pahina.

     .

      .

Ang

lovestory..

namin ay nag umpisa sa isang waiting shed at nag tapos muli sa isa pang waiting shed. Kagaya ng mga lihim ng nakaraan at masalimuot na paglalakbay may mga estrangherong gaya niya na darating at makikilakbaymakikisakay sa jeepney’ng daraan at makikibyahe.

                                                                                               .

Ang masayang byahe na nauwi sa isang pagibig. Ang isang pagibig na hindi nabigyan na pangalawang pagkakataon at nagtapos sa isang paglimot. Maraming darating pang jeepney. At sa bawat jeepney’ng iyong masasakyan.. Andun ang bawat posibilidad at bagong pagkakataon para iba naman ang makatabi mo, iba naman ang makausap mo, iba naman ang ibigin mo.

Ang jeepney lovestory namin.. Ay nauwi sa isang “dead end” kagaya ng sa naunang pagibig. Ilan pa kayang darating? Ilan pa kaya ang mapapaibig, ilan pa sa karamihan ang masasawi?

Nagpaalam ako sa kanya na ako’y bababa na, hindi siya kumibo. Ilang oras ang nagdaan at tinanong niya ko kung sigurado na ako. Tumigil ang andar ng jeep. At bumaba na ko sa bughaw na langit.

.

Iniwan ko siya.

Iniwan ko din ang kapayapaang meron siya.

Sa aking pag amin dito nagtatapos. Sa aking pag iwas dito ako magsisimula.

Ang bughaw sa kanyang mga mata repleksyon ng aking kapayapaan. Sa bawat taong nakikilala, wala talaga ang natitira. Lahat sila ay dumaraan lang at nakikilakbay. May ilan mang nagtatagal ngunit ang bawat pangyayari ay may katumbas na

katapusan.

.

Gaya niyang duwag na naunang tumalikod sa akin. Ngayon ko naramdaman na masakit din pala ang tumalikod sa akala mong kinabukasan.

Ginawa ko ang isang bagay na akala ko ang siyang nauna lamang ang gagawa. Ang pagtalikod at paglimot ay siya rin palang aking niyakap.

Sa pagbababa, hinintay ko siyang pigilan ako. Hinintay ko siyang mahalin ako. Pero umandar na ang jeepney at iniwan na ko. Tangay tangay ang estrangherong inibig ko.

Tumingala ako at muling inaninag ang bughaw na langit. Muli, nag-iisa na naman ako. Sa paligid napansin ko na ibinaba pala ako sa isang waiting shed. Pero bakit? Para muli makasakay? O para muling may makasabay? Para maghintay? O para bumiyaheng nag-iisa? Pero hindi na ito ang waiting shed kung saan kami nagkatagpo. Bago na ito, sa kulay… —

Parehas ng laki at sukat pati na rin ng pagkakagawa pero iba ang kulay.

Teka!

Ang kulay..

Bughaw.

Ang amoy ng paligid, ang itsura na mga puno at halaman, ang katahimikan..

Hindi ako pwedeng magkamali!

Bago, tama! Bago ito.

Yun ang akala ko.

Bumalik lang ako sa lumang waiting shed. Sa haba haba ng paglalakbay ko, ibinaba niya ako kung saan kami unang nagkita. Ibinalik niya ko sa aking paraiso. Nagbago man, pinunturahan ito para muling magamit. Para muling maging karamay. Naramdaman ko na kahit papano..

Minahal din pala niya ako. Minahal, para ibaba ako sa lugar na ito;  minahal, na alam kong alam niya na bago ang “waiting shed” na ito.

Pero hanggang doon na lamang iyon. Hanggang doon na lamang at hanggang dito na lang ang kaya niyang gawin.

Lumingon ako at sinariwa ang naging byahe namin. Ngumiti at nagsabi…

“Salamat, at paalam kaibigan”

———


Maraming salamat po sa mga nagbasa ng aking mini-artikulong ito. Ito po ang unang tagalog article na ginawa ko po.

Salamat 🙂

Comments
12 Responses to “Kwentong Jeepney”
  1. Soliflight says:

    Ganda ng story, interesting! Good job te Joanne. 🙂

    Like

    • jorain says:

      Oh my super thank you. Aayusin ko yan after finals. I need to think carefully ung story flow haha maraming salamat 😉

      Like

  2. Dating says:

    I loved as much as you’ll receive carried out right here. The sketch is tasteful, your authored material stylish. nonetheless, you command get got an nervousness over that you wish be delivering the following. unwell unquestionably come further formerly again as exactly the same nearly a lot often inside case you shield this hike.

    Like

    • jorain says:

      Oh my, thank you! :)) words are beyond flattering! I can’t thank you enough fir appreciating my kind of work. Thank you again! 🙂

      Like

    • jorain says:

      Thank you!! I’m happy to recieved such positive reviews. Thank you for appreciating my line of work and beyond words can explain I am greatful. Thank and have a nice day. God bless!

      Like

  3. I just want to say I am just beginner to blogging and site-building and seriously loved your web blog. Very likely I’m want to bookmark your website . You certainly come with superb stories. Regards for sharing your blog.

    Like

    • jorain says:

      Hello! I’m happy reading your comment and insights. you’ll get to use to it in no time (blogging) believeme (wink!) 🙂
      Honestly I start out of nothing too. Posting everything I have in mind. At a very young age of 12 I know what I want. And that is to write.
      I started to write certain girly-fantasy-stories in a piece of paper or in the back of my notebooks using pencil or ink and that is what I like the best. I was entwined with blogging when I become a college student by the age of 16. I was more impress by wordpress than those other blogging sites and until now I’m still fascinated of how my blog has become through years with wordpress still rockin’ the world wide web. I have my most thanks to wordpress.com for creating such site to express, let out ideas, to create and to inspire young or old people may it be on different sides of the world. I’m overwhelmed by the fact that people like you who commented on my blog lives far far away for where I’am right now still find time and aspirations through my works. And from the bottom of my heart…

      THANK YOU! BIGTIME!

      from Philppines to wherever you are,

      God bless and have fun always! continue to inspire and be freaking AWESOME! 😀

      – Jo

      Like

  4. Very interesting topic , appreciate it for posting .

    Like

    • jorain says:

      Thank you! 🙂

      Like

  5. Iím not that much of a online reader to be honest but your blogs really nice, keep it up! I’ll go ahead and bookmark your site to come back in the future. Many thanks does breast actives work http://breastactivesdigest.com/

    Like

  6. Good web site! I truly love how it is easy on my eyes and the data are well written. I am wondering how I could be notified whenever a new post has been made. I have subscribed to your feed which must do the trick! Have a great day!

    Like

  7. I wish to show some appreciation to the writer for rescuing me from this type of scenario. Because of surfing around throughout the the net and seeing opinions which were not beneficial, I was thinking my life was done. Living devoid of the solutions to the issues you have resolved by way of the report is a serious case, and ones that could have in a negative way damaged my entire career if I hadn’t discovered your web page. Your own know-how and kindness in taking care of all the stuff was vital. I’m not sure what I would have done if I had not come upon such a subject like this. I can now look ahead to my future. Thank you very much for the specialized and results-oriented help. I will not hesitate to refer the website to any individual who needs and wants guidance on this problem.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: